kababayan, malapit na pasko!I know nag iisip na rin kayo kung ano ihahanda nyo.Pero di yon ang topic natin ngayon. Minsan napag usapan namin ng mga friends ko( may pinoy, may foreigner, may german). Kung sino mahirap na bansa,masayahin sila like pinoy at kung sino pa mayayaman na bansa maraming depression( di ko nilalahat pero karaniwan).Bakit nga ba? Yung isa kong kaibigan ang sabi,,Mas marami kang pera, mas marami kang problema`´.Yung isa,nasa weather daw, sa pinas kasi mainit ang panahon. Ako naman ang opinion ko ganito.Sa pinas kasi marami kang makakausap , makakwntuhan, kumatok ka lang sa kapitbahay. Isa pang factor yung religion, yung na lang ang sandalan ng mga pinoy pag may problema.Pangatlo nag dadamayan ang mga pinoy, likas na matulungin, Ang lolo ko noon, sya ang takbuhan ng mga tao samin, kaya minahal sya ng tao samin, noong nabubuhay pa sya.Dito nakaawa talaga matatanda, kokonti lang Kontakt nila,minsan isoliert pa. ( Obwohl yung mga kabataan ganun din, karaniwan puro X box or computer nasa utak, walang panahon, or tinatamad makipag soyalan).Di ko naman sinasabing masama ang Internet,dahil kahit ako gumagamit din , pero bigyan natin ng limitayon.Karaniwan dito di religioso, yung mga old Generation yon ang palaging makikita mo sa simbahan.Di ko sila masisi, dahi sa History, alam naman natin kahit sa Pinas makapangyarihan ang Simbahan noon. Kaya malaki nagawa ni Marthin Luther sa kasaysayan. Ako nagbago pananaw ko sa religion lalo na sa Katoliko, marami akong nabasa( history). Naniniwala ako sa Dyos pero yung Katoliko maraming naging kasalanan matagal ng panahon.Sa ngayon di ko na alam kung ano ba ang totong religion( na nagsasabi ng katotohanan). Balik tayo sa topic, ang pinoy kahit kulang sa karunungan punong puno naman ng pag mamahal. Dito di ko maramdaman yon.Mahal ko din ang bansang Alemanya.Pero alam mo yon, yung lumaki ka sa dalawang kultura?Pag nasa PinAS ako namimiss ko ang Germany pag nandito ako namimiss ko naman ang pinas. Dalawa sila sa puso ko. Pero mas matimbang ang pagiging pinoy ko, dahil balibaliktarin mo man ang mundo `´There´s no place like home.
Seite 1 von 1
Kababayan usap tayo
#2
Geschrieben 19 December 2009 - 07:00
Apat na taon na akong hindi nakatira sa Pinas pero wala pa rin akong nararamdaman na homesick. Tumira ako sa Bulacan, Pangasinan, Nueva Ecija at Maynila. Hindi ko nga lang nakaugalian ang mangapitbahay. Yung lola ko matulungin din noong nabubuhay pa. Ilang daang libo rin ang napautang nya sa mga kababaryo at halos wala syang nasingil
Natatawa na lang ako nang mag-ulyanin sya; aba nag-aayang maningil
Yung nanay ko naman asar sa mga chismosang kapitbahay. Lahat kasi alam pati pag-utot mo.
Ang na mimiss ko lang sa Pinas ay ang pamilya ko. Don't get me wrong, I'm just flexible... I can live in any part of the world
I believe that every country is beautiful and I love them all!!!
Thema verteilen:
Seite 1 von 1

Hilfe
Promote to Article









